Life is Harder for the Tough

Lovely Marie Formento
3 min readSep 29, 2024

--

Why do people who choose to stay, always end up alone?

Ang ironic ng buhay, right?

A lot of people will judge you if tough and emotionless ka.

They will tell you, “Grabe ang tigas naman ng puso mo!”

“Grabe, para ýun lang di marunong magpatawad. Kala mo kung sino!”

But if you play a victim, ija-judge naman nila yung kaartehan mo.

Na nagpapaawa ka lang.

Minsan ang hirap din lumugar sa mundo na hindi mo alam kung may mga tao ba talagang nakakakilala sa tunay na ikaw.

Ang bilis ng bilis kasi ng judgment… tingin nila masama ka na agad.

And what’s sad about it is no one will choose to side with you because you’re the tough one.

Ikaw yung kayang umintindi so dapat ikaw yung mag-gi-give way.

Ikaw naman yung independent so dapat ikaw yung magsolo.

Nakaya mo naman ma-solve yung problema mo before so malamang sa malamang, maso-solusyunan mo rin yung mga problema sa ngayon.

AND NO ONE ASK IF YOU’RE OKAY IN THESE SITUATIONS…

Kasi nga, strong ka. Tough ka eh’

They don’t realize that deep down, you just want to break down like a child in a tantrum.

Na gusto mo rin magreklamo.

Na gusto mo rin ikaw yung intindihin.

But people around you won’t let you show your real feelings.

Yung tipong invalidated ka na agad kahit wala ka pang sinasabi.

Na para bang unti-unti kang hinihigop ng kumunoy pero napapa-dalawang-isip ka na sumigaw ng “tulong”

Bakit?

Wala naman kasing nakatingin.

‘Ni hindi nga nila napansing nahulog ka.

Walang hahawak sa mga kamay mo para di ka tuluyan lumubog.

Busy kasi sila e’.

Busy sila sa kani-kanilang buhay.

Busy silang tulungan yung alam nilang mas mahihina.

At ikaw na alam nilang malakas… syempre ikaw lagi yung last.

Hindi ka priority.

Kumbaga, kung kailangan mo ng heart transplant, ikaw yung huli sa listahan.

Baka nga sabihin pa nila saýo, “Paubaya ka muna. Mas kailangan ng puso ng iba. Self-sustaining ka naman diba?”

Again, ikaw na naman nagparaya…

Pero alam mo, kahit nakakapagod… kahit minsan nakakapikon na nga.

Ayos din ‘pag ikaw yung pinakamatibay.

Pwede ka kasi sandalan ng mga kagaya mong naghahanap ng sandalan.

And take note, para kang matibay na Narra, kahit gaano kabigat yung sandal nila saýo, kakayanin mo silang suportahan.

Ganun ka kasi pinatatag ng mga pinagdaanan mo sa buhay.

At dahil dun kakaiba ka.

Kaya OK lang kung ikaw lagi yung umiintindi… kung ikaw lagi yung nag-aabot ng kamay…

Bibihira kasi yung mga tao, na despite their busy lives, may oras pa rin silang lingunin yung iba.

Sabi nga nila, kung ano yung binato mo sa Universe, it will come back.

Kaya ‘wag kang mag-alala kasi magkukusa yung Earth gravity sa paghatak.

Darating yung araw na you’ll find people who truly look deep into your heart and mind.

Yung tipong hindi mo na kakailanganin pa sumigaw ng “Tulong!” kasi agad agad nakaabot na yung mga kamay nila.

And I’m excited for to find your right tribe.

Because I’m sure with them, the loneliness you are hiding now will eventually gone.

Just wait, and I assure you…

Soon, you will be found. :)

--

--

Lovely Marie Formento
Lovely Marie Formento

No responses yet